MGA MIYEMBRO NG CVOs SA SAN CARLOS CITY, PINARANGALAN

Taos-pusong pagkilala at pasasalamat ang isinagawa sa mga kasapi ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ng San Carlos City sa isinagawang CVO Payout noong Enero 15, 2026 sa Arenas-Resuello Complex.

Ang aktibidad ay nagsilbing parangal sa walang humpay na dedikasyon ng mga CVO na patuloy na nagsisilbing katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad. Sa kanilang boluntaryong paglilingkod, nagiging mas matatag ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan sa pagtataguyod ng isang ligtas at maayos na lungsod.

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang gobernador at bise gobernador at iba pang opisyal sa lokal at panlalawigang pamahalaan na nagpaabot ng mensahe ng suporta at pagpupugay sa mahalagang papel ng mga CVO.

Ang payout na ito ay patunay ng patuloy na malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Lungsod sa kapakanan at moral ng mga CVO. Higit sa tulong-pinansyal, ito ay pagkilalang nararapat sa mga boluntaryong nagsisilbing tunay na haligi ng serbisyo, disiplina, at bayanihan sa San Carlos City.

Facebook Comments