UNITED STATES – Handa na sa pagpupulong ang 538 members ng electoral college para isertipika ang deklarasyon ng pagkapanalo ni Donald Trump sa pagkapanguloIsasagawa ito sa 50 state capitals at sa district of Columbia electors na napili ng mga state parties ng mga kandidato para bilangin ang kanilang balota.Nakasaad sa federal law na ng mga electors ay dapat magpulong sa Disyembre 19 kung saan ang mga electors ay pipirma ng anim na kopya na nag-si-certify ng kanilang boto para sa pangulo at pangalawang pangulo.Mapupunta ang dalawang kopya sa national archives, isa ang mapupunta sa presidente ng senado habang ang isa ay mapupunta sa local judge at dalawa naman ang mapupunta sa state’s chief elections officersMatapos ito ay may huling proseso pa sa darating na Enero 6 kung saan magsasagawa ng official counts ang congress na pangungunahan naman ni Vice President Joe Biden.Puwedeng almahan ito ng mga mambabatas pero dapat ito ay isagawa sa pamamagitan ng pagsulat na pipirmahan ng isang miyembro ng house at senate.
Mga Miyembro Ng Electoral College Na Magsesertipika Sa Pagkapanalo Ni Us President Donald Trump, Nakahanda Na
Facebook Comments