Mga miyembro ng gabinete na hindi sisipot sa pagdinig ng Senado, hindi ipapaaresto

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III na hindi ipapaaresto ang sinumang miyembro ng gabinete na hindi dadalo sa pagdinig ng Senado dahil sila ay maituturing na alter ego ng pangulo.

Sinabi ito ni Sotto makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na iuutos niyang huwag ng humarap ang kanyang Cabinet officials sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Patungkol ito sa umano’y paggamit sa pondong nakalaan pantugon sa pandemya partikular ang pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ng umano’y overpriced na pandemic supplies.


Ayon kay Sotto, kanilang paiiralin ang respeto at kabutihan sa Malakanyang bilang co-equal part ng Senado.

Binanggit pa ni Sotto ang nakasaad sa Konstitusyon na maari nilang hilingin pero hindi dapat ipilit o obligahin ang pagharap ng Cabinet members sa imbestigasyon ng Senado.

Facebook Comments