Mga miyembro ng gabinete na itatalaga ni PBBM, dapat walang balak kumandidato sa 2025 elections

Welcome kay House Minority Leader and 4Ps party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan, ang pasya ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na balasahin ang kanyang gabinete matapos ma-lift ang election appointment ban.

Kaugnay nito ay iminungkahi ni Libanan kay Pangulong Marcos na tiyakin na ang itatalagang kalihim ng mga departamento ay handang maglingkod sa loob ng nalalabing limang taon ng administrasyon at walang balak kumandidato sa 2025 elections.

Diin ni Libanan, mahalaga na ang mga department heads ay nakatutok ng lubos sa kanilang tungkulin hanggang 2028 at hindi sa pagtakbo sa susunod na halalan.


Wala namang nakikitang mali si Libanan kung italaga ni PBBM ang mga natalo noong nakaraang eleksyon basta’t mahusay at kwalipikado ang mga ito.

Kasabay nito ay hiniling din ni Libanan kay PBBM na magtalaga na ng permanenteng kalihim sa Department of Agriculture, Department of Health at Department of National Defense.

Facebook Comments