Ilang oras bago pormal na magsimula ang programa ng Iglesia ni Cristo (INC) dito sa Quirino Grandstand, hindi na mahulugang karayom ang dami ng mga miyembro na matyagang nag-aabang dito.
Sa pinakahuling datos ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mahigit 1.4 million na ang crowd estimate dito sa paligid ng Quirino Grandstand as of 2pm.
Karamihan sa mga ito, mula pa kagabi o kaninang madaling araw naghintay at mula pa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lugar.
Inaasahang magtutuluy-tuloy ang pagdating ng mga nakikiisa sa Nationwide Rally for Peace bago ang pagsisimula nito mamayang alas-4 ng hapon.
Ilang mga personalidad at mga opisyal naman ang inaasahang darating mamaya para magbigay ng kanilang pakikiisa sa ipinapanawagan ng religious group.
Layon nitong tutulan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at ipanawagan ang pagkakaisa ng Pilipinas.