Mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara, umabot na sa 100

Lomobo na sa 100 ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa House of Representatives.

Pinakahuling dumagdag sa partido ay sina Representatives Ching Bernos ng Abra, Kristine Tutor ng ikatlong distrito ng Bohol, at Julienne “Jam” Baronda ng Iloilo City.

Nanumpa sila kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez na siyang presidente ng Lakas-CMD party.


Nanumpa rin kay Speaker Romualdez ang actress-singer na si Karla Estrada, na ina ng aktor na si Daniel Padilla.

Sina Bernos at Tutor ay nanggaling sa Nacionalista Party samantalang si Baronda ay dating miyembro ng National Unity Party.

Positibo si Romualdez na ang lumalaking miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara ay makakatulong sa pagtataguyod ng mga polisiya para sa kapakanan at pag-unlad ng lahat.

Facebook Comments