Sumailalim na sa profiling at validation ang mga napiling miyembro ng LGBTQIA+ Community bilang paghahanda sa pagiging ganap na benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers ng DOLE.
Nasa halos animnaraan naman o kabuuang bilang na limang daan at siyamnapu’t siyam o 599 na mga LGBT Community members ang dumaan sa nasabing masusing pagsala at pagproseso.
Ipinaalalang muli sa mga residente na ang sinumang nakailalim sa pagserbisyo sa lokal na gobyerno ay hindi maaaring mapabilang sa TUPAD.
Layon naman ng nasabing programa na mabigyan ang mga benepisyaryo ng kabuuang halaga na apat na libong piso na makatutulong bilang tulong pinansyal kapalit ang kanilang sampung araw na pagtatrabaho. |ifmnews
Facebook Comments