Mga miyembro ng MNLF sa Davao Occidental na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, tinulungan magkaroon ng hanapbuhay ng mga pulis

Gumawa ng paraan ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) partikular ang 1st Davao Occidental Provincial Mobile Force na magkaroon ng mapagkakakitaan ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya sa Malita, Davao Occidental.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, nakipag-ugnayan ang kaniyang mga tauhan sa Department of Agriculture (DA) para magkaroon ng fish pen para isdang tilapia ang mga MNLF members.

Nagbigay naman ng katiyakan ang DA sa PNP na mabibigyan ng mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pangingisda ang mga MNLF members sa Sitio Balas, Barangay Mana.


Noong July 23, pumirma ng Memorandum of Agreement ang PNP unit at MNLF na layuning tulungang magkaroon ng kabuhayan ang mga MNLF members na magkaroon ng trabaho.

Sinabi ni PNP chief, laging handa ang kanilang organisasyon na tumulong sa mga taong nangangailangan at tumutulong para mapanatiling payapa at maunlad ang bansa.

Pinuri rin ni PNP chief ang kaniyang mga tauhan dahil sa inisyatibo ng mga itong makatulong.

Facebook Comments