MGA MIYEMBRO NG MUSLIM COMMUNITY SA PANGASINAN, NAGTIPON SA MANGALDAN PARA SA PAGGUNITA NG EID’L FITR

Nagtipon ang Muslim community mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan sa Mangaldan Public Auditorium upang gunitain ang Eid’l Fitr.

Nagsama-sama at nag-alay ng isang panalangin ang daang mga kasapi ng relihiyong Islam kung saan pinangunahan ng Imam na si Al Basher mula Baguio City.

Ang Eid’l Fitr ay isa sa mahahalagang tradisyon na patuloy na isinasagawa ng mga nasa Muslim community upang pagtibayin ang kanilang paniniwala.

Isa rin ito sa repleksyon ng pagkakaisa at samahan ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagpapalakas pa ng kanilang paniniwala at pananampalataya kay Allah. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments