Mga miyembro ng New People’s Army na nasawi sa engkwentro nitong taon, nasa higit 200 – AFP

Umabot sa 201 miyembro ng rebeldeng New Peoples Army ang namatay sa kamay ng mga sundalo ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines sa isang pahayag kung saan 7,615 na miyembro rin ang sumuko na sa pamahalaan.

Ayon kay Afp Public Affairs Chief Captain Jonathan Zata, 264 na rebelde rin ang kanilang naaresto sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police at mga tropa ng militar.


Kasunod nito, pinapurihan naman ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para maabot ang target na tuluyang masugpo ang komunistang grupo pagsapit ng 2022.

Facebook Comments