Manila, Philippines – Planong kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas para pakiusapan na payagan ang kanyang mungkahi na magdeklara ng general amnesty para sa mga miyembro ng New People’s Army na susuko sa gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, inaasahan na maraming susuko na rebelde sa gobyerno sa mga susunod na buwan.
Pero nilinaw din naman ni Pangulong Duterte na hindi kasama sa amnesty ang mga kriminal na miyembro ng NPA na pumatay ng walang kinalaman sa kanilang paniniwala.
Tiniyak din naman ni Pangulong Duterte na bibigyan ng pabahay, trabaho, at i-integrate sa Armed forces of the Philippines sa oras na sumuko ang mga ito.
Kinunsesya pa ng Pangulo ang mga rebelde at sinabing bumaba na sa bundok para makita na nila ang kanilang pamilya.