Manila, Philippines – Papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army na bumaba sa bundok at sumama sa mga kilos protesta na isasagawa ng ibat-ibang grupo sa Setyembre 21 o sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pero binigyang diin ni Pangulong Duterte na kailangang tiyakin ng mga rebelde na walang masasaktan na inosente at walang mangyayaring karahasan o kaguluhan sa mga kilos protesta.
Mahigpit na bilin din ni Pangulong Duterte na hindi din dapat magdala ng armas ang mga rebelde sa kanilang pagbaba sa mga bundok, kung may makikita aniya ay aarestuhin ang mga ito nga mga otoridad.
Matatandaan na nagpahayag ang pangulo ng intensiyon na ideklarang non-working day para sa mga empleyado ng pamahalaan ang nasabing araw para hindi mahirapan ang mga ito na pumasok sa trabaho dahil narin sa inaasahang trapik na dulot ng maraming kilos protesta.
Mga miyembro ng NPA, pwedeng sumama sa mga kilos protesta sa Sept. 21 ayon sa pangulo
Facebook Comments