Nagpaalala si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Andres Centino sa lahat ng mga commander na manatiling non-partisan sa darating na eleksyon.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xeres Trinidad, ito ay tuloy-tuloy na reminder lang at walang partikular na opisyal na pinatatamaan ang Army Chief.
Paliwanag ni Col. Trinidad, ang paalala ng Army Chief ay batay na rin sa bilin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa buong hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Wala naman aniyang babala na binigay ang Army Chief sa mga susuway sa kautusan, ngunit meron aniyang mga probisyon sa Articles of War na magpapataw ng kaukulang parusa sa mga hindi sumusunod sa kanilang superiors.
Sinabi ni Col. Trinidad na positibo naman itong tinanggap ng lahat ng mga commander na laging sumusunod sa mga kautusan mula sa itaas.