Nakaalis na kahapon ang BRP Antonio Luna patungong Estados Unidos sakay ang ilang miyembro ng Philippine Navy para makiisa sa gaganaping Rim of the Pacific o RIMPAC Exercise sa Honolulu Hawaii.
Ayon kay Navy Spokesman Commander Benjo Negranza, pinangunahan ni Flag Officer-in-Command Vice Admiral Adeluis Bordado ang sendoff ceremony kahapon sa Naval Operating Base sa Subic Zambales.
Inaasahan aniya na tatlong araw bago ang pagsisimula ng RIMPAC exercise ay makakarating na sa Hawaii ang mga sundalong ipinadala.
Ang RIMPAC Exercise ay magsisimula sa June 29 at matatapos sa August 04, 2022.
Sinabi ni Bordado na layunin ng pakikiisa ng bansa sa nasabing exercise ay para sa regional stability at commitment ng bansa para sa mga allied navies.
Nakatuon aniya ang pagsasanay sa Humanitarian Assistance and Disaster Response.