Manila, Philippines – Nagdagdag ang Social Security System (SSS) ng bagong benipisyo sa ilalim ng Social Security Act of 2018.
Ayon kay SSS Chief Legal Counsel and Senior Vice President, Legal and Enforcement Voltaire Agas, madadagdag na ang unemployment benefits sa mga benipisyo ng mga miyembro ng SSS.
Aniya, dagdag ito sa anim na existing SSS benefits para sa sickness, maternity, disability, retirement death at funeral.
Sabi ni Agas, binabalangkas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng dagdag na benipisyo.
Sa ilalim ng probisyon ng batas, ang eligible SSS member ay dapat hindi mahigit sa 60-anyos at nakabayad ng hanggang 36 buwan na halaga ng kontribusyon kung saan 12 buwan dito ay nasa 18-month period bago ang involuntary unemployment o separation from work.
Ang pwede sa bagong benepisyo ay makakatanggap ng halagang katumbas ng 50 percent ng kanyang buwanang sweldo ng hanggang dalawang buwan.