Mga miyembro ng SSS na mag-a-avail ng salary loan, kailangang magbukas ng cash card account

Manila, Philippines – Oobligahin na ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga miyembro na magbukas ng cash card account sa isang bangko ang mga nais mag-salary loan.

Sa ilalim ng bagong sistema, iwi-withdraw na at ipapasok sa cash card ang matatanggap na salary loan ng mga miyembro sa halip na magbigay ng tseke ang SSS para ipa-encash sa bangko.

Ayon kay Pedro Baoy, senior vice president ng lending and asset management group ng SSS, mas mapapabilis nito ang pagpoproseso ng loan kung ikokumpara sa sistema na paggamit ng tseke.


Aniya, gumagastos sila ng P122 kada pagpoproseso ng tseke para sa mga nagsa-salary loan habang P50 naman ang kanilang gastos sa paggamit ng ATM card.

Sabi pa ni Baoy, aabot sa P11 milyon kada buwan o higit P130 milyon kada taon ang matitipid nila sa bagong sistema.

Nilinaw naman ni Baoy na nasa 20 SSS branches pa lang ang nagre-require ng bagong sistema kabilang ang mga malalaking branch sa Diliman, Makati, Cebu, Iloilo at Davao.

Ang bangkong UnionBank pa lang aniya ang puwede sa bagong sistema ng SSS dahil tugma ang computer system nito sa pangangailangan ng ahensiya.

 

Facebook Comments