Mga miyembro ng unyon ng manggawa sa DepEd magpupulong tungkol sa 2019-nCoV ARD

Nakatakdang magpulong ang mga miyembro ng unyon ng mga magagawa ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa mga gagawing hakbang kontra 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, mayroon nang inilabas na kautosan na sundin ang panuntunan ng Department of Health (DOH) kung pano makakaiwas sa nasabing virus.

Pero aniya, maliban dito dapat raw na matiyak na ligtas ang mga manggagawa sa edukasyon  laban sa sakit, lalo na sa panahon ngayon na malamig na dulot ng hanging amihan.


Aniya paguusapan nila kung papaano nila matutugunan para mapanatili na malakas ang resestensya ng mga kasamahan nila sa trabho, lalo na at nasa bansa na ang kinakatakutang virus.

Sinabi rin nito na hindi naman pinagutos sa kanila na parating magsuot mg face mask.

Facebook Comments