Mga modern buses, prayoridad na makabyahe sa ilalim ng GCQ

Ang mga modern buses ang prayoridad na pahintulutang makapasada sa ilalim ng General Communit Quarantine (GCQ) kung saan papayagan nang magbukas ang ilang negosyo at may mga makakabalik na sa trabaho.

Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra sa pagdinig ng committee on public services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

Paliwanag ni Delgra, may tap system ang modern buses para sa contactless na paraan na pagbabayad na umaayon sa mga protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Ay iyong may tap system sa pagbabayad para contactless at makasusunod sa mga health protocols gaya ng mandatory na thermal scanner sa mga terminal at mayroon ding handy thermal scanner ang mga konduktor.

Sabi ni Delgra, kapag kinulang ang modern buses, ay saka papayagan ang modern jeepney na hihikayatin din na magkaroon ng tap payment system at kapag kinulang pa ito ay saka makakabyahe ang mga tradisyunal na jeepney.

Natalakay sa pagdinig na hindi pa bubuhos ang mga pasahero sa ilalim ng GCQ, dahil hindi naman lahat ay lalabas na agad lalo na ang may edad na 60 taong gulang pataas at 21 taong gulang pababa.

Facebook Comments