Ilang araw bago ang Pasko, muling nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang modus ng mga kawatan.
Kabilang sa kanilang binabantayan ang staycation modus kung saan magpapanggap na customer ang mga suspek at tatanggayin ang gamit ng Airbnb.
Payo ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, kilalaning maigi ang mga magrerenta at hingan ng ID.
Dapat ding i-check muna ang lugar bago payagang makapag check-out ang customer tulad sa mga hotel.
Mahigpit ding binabantayan ngayon ng PNP ACG ang internet related crimes.
Iwasan aniyang maniwala na nanalo sa raffle kung hindi naman sumasali.
Facebook Comments