Manila, Philippines – Bobombahin na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga mosque na ginagawang taguan ng mga Maute Group at banyagang terorista para tapusin na ang ika-22 araw na Marawi siege.
Ayon kay first infantry batallion Spokesperon Lt. Col. Jo-Ar Herrera, hindi na sila mapipigilan sa pagbomba ng mga mosques at masjids (Central Mosques) na ginagawang taguan at combat positions ng mga terorista.
Batay sa geneva convention, ipinagbabawal ang paggamit ng religious structures at mga eskwelahan sa giyera.
Pero giit ni Herrera, patuloy ang paglabag ng Maute at ginagamit pang human shields ang mga sibilyan.
DZXL558
Facebook Comments