Matapos ang halos dalawang buwan ng pagkakasenla sa mga nakagawian na mga religiious activities ng mga mananampalatayang Islam dahil pa rin sa pangambang hatid ng Corona Virus disease lubos ang kasayahan ngayon ng mga taga Cotabato City ang ng buong Bangsamoro dahil muli ng nagbukas ang mga Masjid o Mosque ngayong araw.
Ang pagbubukas ay kasabay ng Friday Prayer o sambayang ng mga mananampalataya. Matatandaang kabilang sa mga nakansela ang mga aktibidad sa loob ng mosque noong pag-oobserba ng buwan ng Ramadan maging ang selebrasyon ng Eidl Fitr.
Bagaman pinahihntulutan na ng Darul Ifta ang Sambayang o pagsamba sa loob ng mosque, mahigpit namang ipinapatupad ang Minimum Health Standard lalo na ang Physical Distancing at pagsusuot ng facemask .
Kabilang naman sa panalangin ng mga mananampalataya na anay matapos na ang matagal ng paghahasik ng takot ng COVID 19 at tuluyang manumbalik na sa normal ang sitwasyon na buhay.
PIC Datu Hafez Ampatuan
Mga Mosque sa Cotabato City muling binuksan sa Mananampalatayang Islam
Facebook Comments