Mga Mosque sa Marawi City, hindi binobomba ng pamahalaan

Marawi City – Binigyang diin ng Pamahalaan na wala silang binobomba at hindi nila binomomba ang mga Mosque sa Marawi City kahit pa pinagtataguan ito ng mga miyembro ng teroristang Maute.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ito ang nilinaw ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa harap ng lumalabas na balitang binobomba umano ng AFP ang mga Mosque habang pinaghahabol ang mga terorista.

Wala aniyang balak ang AFP na gawin ito at ang ginagawa nalang aniya nila ay maghanap ng ibang paraan para matapos na ang problema sa Marawi.


Binigyang diin naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na iginagalang ng pamahalaan ang mga Mosque dahil batid nila na sagrado ito sa mga kapatid nating Muslim.

Tiniyak din ni Abella na pangangalagaan ng AFP ang mga Mosque at iba pang Religious structures sa gitna ng bakbakan.
DZXL558

Facebook Comments