Pinag-aaralan ngayon ng pamahalaang lokal ng Maynila na gawing quarantine facilities ang mga hotel at motel sa lungsod sa harap ng patuloy na lumolobong kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito ay inatasan ni Mayor Isko Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna at Bureau of Permits Chief Levi Facundo na makipag-usap na sa may-ari ng mga motel at hotel.
Paliwanag ni Moreno, dahil sa nakakaalarmang dami ng nahahawaan ng COVID-19 ay posibleng mapuno ang quarantine facilities na itinatag sa Maynila.
Dagdag pa niya, nasa high occupancy rate na ngayon ang mga ospital at quarantine facilities sa Maynila.
Dahil dito ay umaapela si Moreno sa publiko na kahit General Community Quarantine, ay dapat pang-Enhanced Community Quarantine ang attitude kaya huwag nang gumala, manatili sa loob ng bahay, huwag mag-party at huwag munang magbakasyon.