Mga motorcycle rider na gagamit ng bike lane sa EDSA, huhulihin na ng MMDA

Photo courtesy: MMDA Facebook page

Inanunisyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanilang huhulihin ang mga nagmo-motor na gagamit ng bicycle lane sa EDSA.

Ito’y magsisimula bukas, Lunes, August 21, 2023.

Sa abiso mg MMDA, disregarding traffic sign violation at P1,000 na multa ang matatanggap ng rider na mahuhuling dumaraan sa naturang lane.


Giit ng MMDA, ang bicycle lane ay inilaan para sa cyclists o nagbibisikleta, hindi para sa motorcycle riders.

Paliwanag pa ng MMDA, ang bike lane ay hindi fast lane para sa mga nagmomotorsiklo.

Nabatid na base sa monitoring ng MMDA sa EDSA, maraming motorcycle riders ang dumaraan sa bicycle lane.

Kung kaya’t dahil dito, hindi magamit ng mga nagbibisikleta ang lane na inilaan para sa kanila.

Facebook Comments