Mga motorcycle rider na nakasuot ng short, pagmumultahin na

Manila, Philippines – Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na papatawan na rin ng multa sa Land Transportation Office (LTO) ang mga motorcycle rider at mga angkas na nakasuot ng short.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, para ito sa kaligtasan ng mga nagmomotorsiklo dahil mas namumuro umano sa matinding pagkasugat o injuries kapag nasangkot sa aksidente ang rider at angkas na nakasuot ng shorts.

Sakop lang kasi ng batas ang hindi pagsuot ng tamang helmet na may multang P1,500.


Maliban rito, bawal din ang nakatsinelas na mayroong multang P500 sa first offense, P700 sa second offense at P1,000 at pagka-revoke ng lisensiya sa third offense.

Maliban rito, ipatutupad na rin ng MMDA ang Metro Manila Council Resolution 2007, kung saan huhulihin rin ang mga hindi nakabukas ang headlight.

Nasa P150 hanggang P500 ang multa sa patakaran at puwede ring masuspende ang lisensiya.

Kinakailangan ding kumpleto ang safety gear ng mga rider at angkas.

Nakatakda namang magpatawag ng Technical Working Group meeting ang MMDA sa lahat ng stakeholders at sa LTO para mabalangkas ang mga patakaran.

Facebook Comments