Mga motorcycle taxis, inirereklamo na rin sa pahirapang pagbu-book tuwing rush hour

Idinulog na rin ng samahan ng mga consumers ang naranasan sa mga motorcycle taxis tungkol sa pahirapang pagbu-book dahil sa pagpapatay sa app kapag rush hour at ang nasaksihan na pagco-kolorum ng ilang rider.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni Konsyumer at Mamamayan-PH Secretary General Patrick Climaco, mismong siya ay nakaranas na nagko-colorum pala ang ilang rider matapos siyang alukin na sumakay pero hindi gagamitin ang booking sa app.

Tanong ni Climaco, sa mga ganitong istilo ng pagko-colorum ay mayroon bang mekanismo para maprotektahan ang mananakay laban sa mga ganitong alok.


Sinabi naman ni Angkas CEO George Royeca na mayroon silang fraud detection system para matukoy ang mga riders na nagbubukas-patay ng app.

Samantala, bigla namang umamin sa kalagitnaan ng diskusyon ang grupo ng mga motorcycle riders sa modus nila.

Ayon kay MTC Alliance Chairman Romeo Maglunsod, mula nang simulan ang pilot study sa motorcycle taxis noong 2017 ay natuto na sila ng mga paraan para tumaas ang kanilang kita.

Facebook Comments