Mga motorcycle taxis, maaari nang muling makapag-operate

47

Pinayagan nang muli ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pilot study ng motorcyle taxis.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang naturang hakbang ay alinsunod sa pagpapalawig ng Kamara sa pagsasagawa ng pilot study ng mga motorcylce taxis gaya ng Angkas, Joyride at iba.


“Pinayagan na rin ang pagpapatupad ng motorcycle taxi pilot study pagkatapos payagan ng Camara de Representante na i-extend ang motorcyle taxi pilot study program,” ani ni Roque.

Sabi pa ni Roque, maglalabas ng guidelines tungkol dito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments