Mga motorcyle rider organization, bibigyan ng kapangyarihan sitahin ang mga pasaway na motorista

Manila, Philippines – Maari na rin ngayon makapagsita ng mga pasaway na motorista ang ibat-ibang mga motorcycle riders organization.

Ito ay matapos na bigyan sila ng kapangyarihan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) sa pamamagitan ng disiplinadong driver campaign na kanilang inilunsad ngayong araw.

Ayon kay PNP HPG Chief Police Chief Supt Arnel Escobal nasa dalawangpung rider clubs ang pinulong nila kanina para hingiin ang kanilang tulong sa kampanya laban sa mga walang displina sa daan.


Kabilang na rito ang mga rider na hindi nagsusuot ng helmet, mga motorista na hindi marunong magparada ng tama at iba pa.

Hinikayat din nila ang mga motor riders na agad ireport sa HPG hotline kung may makitang krimen.

Hindi naman bibigyan ng ID ang mga piniling rider bagkus ay lalagyan ng logo ng hpg ang kanilang mga vest.

Ang programa ay ginawa ng HPG dahil sa lumalaking populasyon ng mga naka-motorsiklo at dahil na rin sa kakulangan ng tauhan.

Facebook Comments