Mga motorista at pampublikong tsuper, hinimok ng LTO na pairalin ang disiplina at sumunod sa batas trapiko

Hinikayat ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang mga transport group na tiyakin na ang kanilang mga miyembro ay tumatalima sa batas.

Ayon kay Asec. Mendoza, ang mga leader ng transport group ay mayroong kapangyarihan upang atasan ang kanilang mga miyembro na respetuhin ang batas trapiko upang maging maayos ang daloy sa lansangan at matiyak din ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Paliwanag pa ni Mendoza na nauunawaan umano nila ang hirap sa pamamasada ng mga Public Utility Vehicle (PUV) sector subalit mayroon umanong mga batas trapiko na dapat sundin para hindi makaabala at hindi magresulta sa anumang aksidente lalo na sa mga pasahero.


Giit pa ng pinuno ng LTO na hindi aniya puwede na ang mga pasahero ang masusunod kung saan sila bababa at sasakay, dahil sa bilang mga tsuper, makakatulong din umano sila sa panawagan ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng disiplina ang lahat ng gumagamit sa lansangan.

Matatandaang hinimok ni Pangulong Marcos ang lahat ng mga motorista at gumagamit ng lansangan na obserbahan ang batas trapiko at rules and regulations sa road safety.

Facebook Comments