Mga motorista, hindi dapat madehado sa sistema ng RFID

Hiniling ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa Department of Transportation o DOTr na masusing pag-aralan ang buong proseso ng cashless payment system sa mga toll road.

Ayon kay Poe, ito ay upang matiyak na hindi magkakamali sa kalkulasyon sa toll na ikalulugi ng mga motorista.

Giit ni Poe, hindi na dapat magdusa pa ang mga motorista sa kanilang pagtupad sa regulasyon ng pamahalaan na gumamit ng cashless toll system.


Sinabi ni Poe na habang ibinibigay ng mga toll operator ang Radio Frequency Identification o RFID sticker nang libre, ay dapat tingnan ng DOTr ang aspeto ng balanse sa RFID at kung may posibleng singil sa paglo-load upang matiyak na hindi dehado ang mamamayan.

Inihalimbawa ni Poe ang Cavitex kung saan dapat may balanse na hindi bababa sa P100 ang RFID account ng mga motorista.

Ayon kay Poe, dapat tiyakin ng pamahalaan na hindi ipapapasan sa mga motorista ang hindi kinakailangang halaga sa pagmimintina ng balanse sa RFID.

Kasabay nito, ay iginiit din ni Poe na hindi dapat kumplikado at masalimuot ang pagkuha ng RFID.

Facebook Comments