Asahan na ang mas pinaigting na mga checkpoints sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan alinsunod sa inilunsad na COMELEC Nationwide Kick-Off checkpoint, na bahagi ng pagsisimula ng election period.
Kasunod nito, hiling ng Pangasinan Police Provincial Office Provincial Director PCol. Rollyfer Capoquian, ang kooperasyon at pakikiisa ng mga motoristang madadaanan sa mga checkpoints.
Dagdag ng Opisyal, bagamat magdudulot ito ng kaunting abala sa kanila, para ito sa seguridad ng publiko, hindi lamang sa anumang election-related issue, maging sa kaligtasan sa mga kakalsadahan.
Inihayag naman ni COMELEC Ilocos Region Assistant Regional Director Atty. Reddy Balarbar ang pagsasaalang-alang pa rin sa karapatan ng mga motorista sa pagsasagawa ng mga checkpoints.
Samantala, ilan sa mga kinakailangang gawin ng mga motorista ay ang pagbubukas ng ilaw sa loob, sa bintana, at pagpresenta ng mga nararapat na dokumento tulad ng lisensya at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨