Mga motorista, kamot ulo na naman sa panibagong malakihang oil price hike

 

Aagahan na raw ng ilang motorista na magpakarga ng gas sa kanilang sasakyan mamayang gabi.

Ito ay para hindi na sila maabutan ng panibagong oil price hike na mahigit P1.

Sa panayam ng RMN Manila sa jeepney driver na si Joseph Cervantes, bawas na naman ang kanilang kitang maiuuwi dahil sa taas-presyo ng diesel na aabot sa P1 ang itataas bukas.


Gaya ng ginagawa ng iba, magdaragdag din ito ng ikot para mahabol ang mawawalang kita kahit pa abutin na ito ng gabi sa pamamasada.

Hirit ni Mang Joseph na aksyunan naman ng pamahalaan ang tila walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo kasabay ng pagtaas din ng presyo ng mga bilihin.

Kung maalala, noong Martes ay nagpatulad ang mga oil company ng kakapiranggot na oil price rollback na sinundan agad ng malakihang oil price hike.

Facebook Comments