Hinikayat ni LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang mga motorista na samantalahin ang ‘Aksyon on the Spot’ hotline para i-claim ang mga di nila nakuhang plastic-printed driver’s license .
Dagdag ni Asec. Mendoza , may option din ang mga motorista kung gusto nila na maipadala sa accredited courier service ang kanilang plastic-printed driver’s license.
Batay sa datos ng LTO, 5% pa lamang ng mga apektado ng backlog ang hindi pa nakakakuha ng kanilang plastic-printed driver’s license.
Binigyang-diin din ni Asec. Mendoza, nag-download ang LTO ng sapat na supply ng mga plastic card hanggang sa mga licensing offices sa buong bansa.
Dahil dito, lahat ng mga motorista ay dapat mayroon nang paper-printed driver’s license dahil natugunan na ang backlog.