Hinihimok ng isang kongresista ang mga motorista na maingat na magmaneho at magbigay daan sa mga hayop sa kalsada.
Kasunod na rin ito ng paglulunsad ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong ng #BrakeForAnimals campaign.
Naglatag si Ong katuwang ang animal rights advocacy group na Pawssion Project, kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at pribadong sektor ng information drive para paalalahanan ang mga drivers na ingatan din sa mga lansangan ang mga stray animals.
Ayon kay Ong, sa tulong na rin ng mga private partners ay nakapaglagay ng #BrakeForAnimals billboards sa ilang mga lokasyon tulad ng Guadalupe-Makati, northbound portion ng Cubao at sa kabilang bahagi ng SM Megamall.
Nakalagay sa mga billboards ang larawan ng mga aso at pusa na survivors ng “hit-and-run” at “animal cruelty”.
Bukod sa billboards, masigasig na tinatrabaho ngayon ng mga animal rights advocacy groups ang information drive na #BrakeForAnimals gamit ang iba’t ibang social media platforms.