Nananawagan ang awtoridad sa mga motorista kasunod ng naitatalang road accidents sa Dagupan City.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PLt. Salvador Cacho, ang Admin Officer ng Dagupan Police Station at Police Community Precinct 1 Commander, mas mainam kung hindi mabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan upang maiwasan ang anumang insidente.
Kasunod na rin ito ng naganap na vehicular accident sa Brgy. Caranglaan, Dagupan City na kinasangkutan ng isang motorsiklo at tricycle kung saan, habang binabagtas ng driver ng motor ang National Highway sa barangay, aksidenteng nasagi nito ang tricycle na papasok din sa nasabing kakalsadahan.
Itinakbo sa pagamutan ang dalawa bagamat idineklarang Dead on arrival ang driver ng motor.
Paalala pa ng awtoridad, ugaliing sumunod sa mga batas trapiko upang mapanatili ang kaayusan sa mga kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









