Nagbigay ng payo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga motorista na huwag pairalin ang init ng ulo sa pagmamaneho.
Sinabi ng pangulo, road rage lamang ang kakahantungan ng lahat kung magpapadala sa inis na nararamdaman sa pagda-drive dahil na rin sa asal ng ilang mga motorista
Bilang isa ring nagmamaneho, sinabi ng pangulo na kanyang nauunawaan na minsan ay sadyang hindi maiiwasang uminit ng ulo sa pagma-maneho pero hindi aniya maganda na magpadala sa nabanggit na emosyon habang nasa harap ng manibela.
Kung maaari nga ay maisama na ng bawat isa sa kanilang New Year’s resolution ang pagiging kalmado dahil walang mabuting idudulot ang pagiging high blood sa lansangan.
Nito lamang nakaraang Biyernes, January 6 ay isang road rage ang naiulat sa Taguig na kinasangkutan ng Isang taga Bureau of Immigration (BI) at ng isang 53 anyos na taxi driver.