Ngayong araw ng Martes ang takdang araw para sa taas-presyo ng langis ngayong linggo matapos ang tatlong linggong rollback sa mga langis.
Dahil sa nakaambang pagtaas ng presyo ng langis ngayong araw maaga nang nagpakarga ng gasolina ang mga motorista sa Pangasinan dahil upang masulit pa ang presyo ng gasolina bago ipatupad ang price increase nito.
Ngayong araw, epektibo ang adjustment price ng langis gaya na lamang ng Diesel na tataas ng P1.30-1.50 kada litro habang ang gasolina naman ay P.30-.50 kada litro lamang ang itinaas nito.
Sa pagtatanong-tanong ng iFM Dagupan sa mga driver, hindi naman daw umano sila apektado sa taas presyo ngayon dahil mahigit piso lang naman daw ang itinaas nito kumpara sa tatlong beses na bumaba noong mga nakaraang linggo kung saan ayon naman sa AUTOPRO Pangasinan ay balanse lang umano ang ganitong taas presyo.
Samantala, ang presyo ngayon ng diesel sa iba’t ibang gasolinahan sa Pangasinan ay nasa P48-P51 depende sa gasolinahan habang nasa P57-61 naman ang presyo ng ibang gasolina. |ifmnews
Facebook Comments