Mga motorista, sinalubong ng panibagong oil price hike ngayong araw

Tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga gasolinahan.

Nasa ₱3.40 centavos ang itinaas ng mga kumpanya ng langis sa kada litro ng gasolina habang ₱8.65 centavos sa kada litro ng diesel at ₱9.40 naman sa kada litro ng kerosene.

Nauna nang nagpatupad kaninang alas-12:00 ng hatinggabi ang Caltex habang kaninang alas-6:00 ng umaga nagtaas ang iba pang kompanya kabilang na ang Shell, Flying V, Petron, at Seaoil.


Mamayang alas-8:00 naman magtataas ng presyo ang kompanyang Cleanfuel.

Ito na ang ika-12 na taas-presyo sa langis mula nang pumasok ang taon.

Ayon sa Department of Energy, epekto pa rin ito ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa digmaan ng Ukraine at Russia at pagpapasabog ng Yemen rebels sa oil refinery sa Saudi Arabia.

Facebook Comments