Mga motorista, tutol sa panukalang car-pooling ng MMDA

Manila, Philippines – Hindi sang ayon ang ilang commuters sa panukala ng Metropolitan Mla Development Authority o MMDA sa car pooling.

Sa proposal ng MMDA hindi maaaring dumaan sa EDSA kapag isa lamang ang sakay ng sasakyan, kasama naman sa umiiral na number coding kapag 2 ang sakay ng sasakyan habang exempted sa coding kapag 3 pataas ang sakay ng isang sasakyan na babagtas sa kahabaan ng Edsa.

Ayon kay Walton na palaging sumasakay sa grab at uber sobrang delikado ang naisip ng MMDA.


Dagdgad pa nito hindi mo naman kilala kung sino ang makakasabay mo sa byahe lalo na sa panahon ngayon na sandamakmak ang mga masasamang loob.

Sinabi din nitong “Stupid idea” ang naisip ng MMDA dahil dapat mag isip sila ng paraan kung paano mareresolba ang mabigat na daloy ng trapiko at hindi ipahamak ang mga commuters.

Facebook Comments