Mga motoristang dadaan ng CAVITEX, isang buwang walang babayarang toll fee mula July 1 —PBBM

FILE PHOTO

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na epektibo na simula sa unang araw ng Hulyo ang isang buwang suspensyon sa pangongolekta ng toll sa CAVITEX.

Ayon sa pangulo, ito ay makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang rekomendasyon na gawing libre ang toll sa loob ng isang buwan sa nasabing tollway.

Makikinabang dito ang daraan sa lahat ng bahagi ng CAVITEX at mapa-RFID man o cash.


Nagpasalamat naman ang pangulo sa TRB na inaprubahan ang rekomendasyon at sa MVP Group na sumuporta sa panukala.

Inirekomenda ng Philippine Reclamation Authority na gawin itong libre sa loob ng isang buwan upang i-promote ang pagbubukas ng tatlong bagong kalsadang kumokonekta sa CAVITEX.

Facebook Comments