Mga motoristang dumadaan sa bicycle lanes, binantaang aarestuhin ng JTF COVID Shield

Binalaan ng Joint Task Force COVID Shield ang mga motoristang hindi rumerespeto sa bicycle lanes na kanila itong huhulihin.

Ginawa ng JTF COVID Shield ang babala sa mga motorista kasunod ng mga reklamo mula sa bicycle riders na dumadaan ang mga pribadong sasakyan sa bicycle lanes para makaiwas sa traffic.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, nakipag-ugnayan na sila sa Highway Patrol Group (HPG) at sa mga local police commanders para siguruhing “clear” mula sa mga motorista ang mga bicycle lanes lalo na sa mga busy street sa Metro Manila.


Giit ni Eleaza, mas nalalagay sa panganib ang buhay ng mga bicycle riders kaya mahalaga na magkaroon ng magandang barrier para maprotektahan ang mga ito.

Facebook Comments