Mga motoristang lumabag sa NCAP sa bisinidad ng La Salle Greenhills, umabot sa mahigit 1,500 sa loob lamang ng isang buwan

Pumalo sa mahigit 1,500 ang bilang ng mga lumalabag sa No Contact Apprehension Policy o NCAP ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa bisinidad ng La Salle Greenhills.

Batay sa datos ng MMDA mula Hulyo 11 hanggang Agosto 18, nasa 1,556 ang naitalang lumabag sa NCAP.

Karamihan sa mga paglabag ay illegal parking, obstruction at unauthorized loading/unloading na nangyayari sa kasagsagan ng school peak hours.

Kung maalala, sumulat si MMDA Chairman Atty. Don Artes sa pamunuan ng La Salle Green Hills upang hikayatin ang paaralan na magpatupad ng mas mahigpit na internal traffic management measures para maibsan ang nararanasang traffic congestion partikular na sa kahabaan ng Ortigas Avenue na isang major thoroughfare.

Nagdudulot ng matinding traffic sa lugar ang mga service at private vehicles na naghahatid-sundo sa mga estudyante.

Facebook Comments