Mga motoristang mahuhulihan sa ikatlong beses na hindi gumagamit ng headlights habang nagmamaneho sa gabi, tatanggalan ng lisensya ng LTFRB

Manila, Philippines – Nagbanta ang pamunuan ng Land Transportation Office LTO na tatanggalan ng lisensya ang sinumang driver na mahuhuling sa pangatlong pagkakataon na hindi gumagamit ng headlights habang nagmamaneho sa gabi.

Ang babala ay ginawa ni LTO Law Enforcement Service Chief Francis Ray Almora matapos na mahuli ng mga tauhan ng LTO at LTFRB ang 28 mga jeepney driver na hindi gumagamit ng headlights habang namamasada ng gabi sa Timog at Novaliches Quezon City.

Ayon kay Atty. Almora, hinarang nila ang 28 mga jeepney driver dahil sa bukod sa hindi paggamit ng headlights ay mga sira rin umano ang mga tail lights ng mga jeep at hindi mga nagsusuot ng uniporme ang mga namamasadang tsuper.


Paliwanag ni Almora ang hindi paggamit ng ilaw sa gabi ay may katumbas na multang 500 piso sa unang paglabag, 750 piso naman sa ikalawa at isang libong piso sa ikatlong paglabag at kanselasyon ng lisenya.

Dagdag pa ng opisyal ang hindi paggamit ng headlights sa gabi ay lubhang mapanganib umano ang dulot nito hindi lamang sa nagmamaneho kundi maging sa iba pang mga masasalubong na mga motorista.

Facebook Comments