MGA MOTORISTANG NASISITA NA WALANG HELMET SA SAN JACINTO, UMAABOT SA HIGIT 40 KADA ARAW

Umaabot sa higit 40 motorista kada araw ang nasisita sa San Jacinto, Pangasinan kasunod ng pinaigting na pagpapatupad ng “No Helmet, No Travel Policy” mula nitong Oktubre, alinsunod sa Motorcycle Helmet Act of 2009.

Pinapatawan ng P100 multa ang mga nahuhuling walang suot na helmet, habang may ilan ding nasisita dahil sa paggamit ng maiingay na muffler.

Ayon sa pulisya, marami sa mga motorista ang hindi pa rin nasasanay na magdala ng helmet, kaya nagpapatuloy ang mahigpit na operasyon upang matiyak ang disiplina ng publiko.

Patuloy namang nagpapaalala ang lokal na pamahalaan na obligadong gumamit ng tamang helmet ang mga nagmomotorsiklo at kanilang angkas upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments