Sumabak ang nasa higit kumulang tatlumpung participants sa mga local government units tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), municipal local government operations offices (MLGOO), at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Region 1 sa DSWD-DILG -Local Government Academy Regional Training of Trainers para sa Barangay Development Planning o BDP.
Naglalayon ang naturang aktibidad na makabuo ng isang Core team na siyang magtuturo sa mga opisyal ng barangay at mga stakeholder ng komunidad mula sa 133 pilot barangay pagdating sa pagbuo ng komprehensibong Barangay Development Plan na kung saan kasama sa participatory planning process ang Community-Driven Development approach.
Sa susunod na ilang buwan, ang mga municipal planning and development coordinators (MPDCs) at MLGOOs ng 11 munisipalidad sa Pangasinan ay magsasagawa ng parehong pagsasanay sa mga target na kalahok.
Ang proyektong naman na ito ay pinondohan sa ilalim ng Kapit-bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) na programa ng DSWD. |ifmnews
Facebook Comments