Nagbigay paalala ang ahensya ng Department of Trade and Industry sa mga MSMEs sa Pangasinan ukol sa mga scammer na nagpapanggap na kanilang kawani o tauhan para mambiktima.
Ayon sa pagtalakay na naganap sa PIA Pangasinan kamakailan, nakatanggap ng dalawang ulat galing sa MSMEs ang pagtangka ng mga scammers na manloko sa mga negosyante at nagpakilala bilang mga tauhan umano ng DTI.
Ayon kay DTI-Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, mapanlinlang ang mga paraan sa panloloko ng mga scammers kung saan magpapautang ang mga ito at maniningil hindi bababa sa limang libong piso bilang parte ng isang ads o sponsorship umano ng isang event.
Samantala, nakipag ugnayan ang ng DTI sa PANG PPO para sa imbestigasyon ng naturang tangkang pang-sscam sa mga MSMEs gamit ang pangalan ng ahensya. |ifmnews
Facebook Comments