Suportado ang tuloy-tuloy na hanapbuhay ng mga Micro Small and Medium Enterprise sa Villasis sa pamamahagi ng puhunan sa ilalim ng Angat Pangkabuhayan Project.
Nasa 250 maliliit na negosyante na nakapwesto sa Pamilihang Bayan at Bagsakan Market ang binigyan ng P10, 000 hanggang P20, 000 na puhunan nang walang patong na interes.
Maari naman araw-araw na hulugan o bayaran ng mga benepisyaryo ang pinahiram na halaga sa loob ng 100 araw.
Layunin na mapagaan ang pamumuhunan ng mga negosyante na mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan na malaking bahagi ng kalakalan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









