Mga Muslim community sa Metro Manila, ipinagdiwang ang Eid al-Adha 2024

Nagtipon-tipon ang mga Pilipinong Muslim sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang ipagdiwang ang Eid al-Adha o Feast of Sacrifice.

May mga nagtungo sa Quirino Grandstand habang ang iba naman ay sa Manila Golden Mosque sa Quiapo, Maynila.

This slideshow requires JavaScript.


Alas-6 ng umaga nang mag-umpisa ang selebrasyon sa Quirino Grandstand sa pangunguna ni Johary Jalaludin Mustapha.

Nagdaos din ng selebrasyon sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Ngayong Linggo, June 16 ang Eid al-Adha 2024 matapos ianunsiyo ng Bangsamoro Darul Ifta at National Commission on Muslim Filipinos.

Bukas naman araw ng Lunes ang holiday alinsunod sa Executive Order na inilabas ng Malacañang.

Facebook Comments