Naniniwala ang isang eksperto na makakatulong ang mga Muslim health experts upang tuluyang mawala ang vaccine hesitancy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa harap na rin ito ng mababang vaccination coverage sa BARMM sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng pamahalaan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Adverse Events Following Immunization Committe (NAEFIC) Chair Dr. Lulu Bravo na makakatulong ang mga Muslim experts upang maipaliwanag nang maayos sa mga taga-Mindanao ang kahalagahan ng pagbabakuna.
Ang kailangan lamang ani Bravo ay matinding pangungumbinsi at mapaliwanagan ang mga taga-BARMM sa gitna na rin ng nalikhang takot sa kanila sa bakuna dulot ng fake news at disinformation.
Facebook Comments