Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng pamunuan ng Southern Police District para tiyakin na ligtas ang mga kapatid natin Muslim na patuloy ang pagdating sa Mosque ng Maharlika Village sa Taguig City upang manalangin at magpasalamat ngayong araw ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Kapansin pansin na hindi naging hadlang ang pagbuhos ng ulan kanina para itigil ang kanilang ginagawang pagsamba ngayong kapistahan ng sakripisyo ng mga kapatid natin Muslim.
Ayon kay NCRPO Regional Director PMGen Vicente Danao Jr. na patuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa paligid ng Mosque para masigurong walang anumang karahasan ang mangyayari ngayong ipinagdiriwang ang Eid’l Adha.
Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pulisya sa paligid ng Mosque upang matiyak na ligtas at naipatutupad ang kautusan ng Inter Agency Task Force na Guidelines sa ipinatutupad ng gobyerno na Minimum Health Protocols.
Paliwanag ni Danao ang ibang mga pulis ay mahigpit na nagbabantay sa paligid ng Mosque para matiyak na nasusunod ang 30 percent na capacity ang pinahihintulutang makapasok sa loob ng Mosque at nasusunod ang Health Protocols.
Giit pa ni Danao na dumadagsa sa Mosque ang mga Muslim para mag-alay ng kanilang mataimtim na panalangin ngayong ipinagdiriwang ang kapistahan ng Eid’l Adha.